Ulat panahon
MANILA, Philippines - Ang mga Isla ng Batanes ay makakaranas ng mga pag-ulan na may pagbugso ng hangin. Ang mga Rehiyon ng Cordillera, Kanlurang KabisaÂyaan, Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao at Caraga at ang mga Probinsya ng Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Mindoro, Marinduque at Romblon ay makakaranas ng maulap na kalangitan.
Habang ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging banayad hanggang sa katamtaman. Ang araw ay sisikat ngayong alas-5:34 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:29 ng gabi.
- Latest