^

Bansa

55K bagong guro kinuha ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos makukumpleto nang punuan ng Department of Education (DepEd) ang 61,510 bagong teacher items na nalikha nitong taong 2013 upang makaaga­pay sa pagdami ng mga estudyante sa mga public schools sa buong bansa.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, hanggang nitong Hulyo­ 11, ay umaabot na sa 55,848 new teacher items o 90.79% ang ka­nilang napunuan, dahil na rin sa pinadaling hiring­ process.

Nabatid na sa ilalim ng dating practice, ang buong recruitment at hiring­ process ay inaabot ng walong buwan.

Gayunman, dahil sa tulong ng Civil Service Commission at ng Professional Regulation Com­mission, umikli ang naturang proseso at nga­ yon ay inaabot na lamang ng limang buwan, habang sa ilang rehiyon at dibisyon ay na-fill up ang mahigit sa kalahati ng kanilang allotted
new teaching posisyon sa loob lamang ng tatlong buwan.

Sinabi ni Luistro na nasa 102,603 new teaching positions ang nalikha sa bansa simula taong 2010 at 91% na aniya nito ay naokupa­han na ng mga new hires.

AYON

CIVIL SERVICE COMMISSION

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

GAYUNMAN

HULYO

PROFESSIONAL REGULATION COM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with