^

Bansa

Pumasok na sa bansa Huaning super typhoon na!

Angie dela Cruz, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ganap nang super typhoon ang bagyong Hua­ning habang patuloy ang paglakas makaraang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Alvin Pura, weather forecaster ng PAGASA, alas-10 ng umaga kahapon ay tuluyan ng nakapasok sa karagatang sakop ng ating bansa ang naturang sama ng panahon.

Taglay ni Huaning ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 210 kilometro kada oras.

Sinasabing si Huaning ay may katumbas na category four hurricane at halos kasing lakas ng hurricane Katia na tumama sa Europa noong 2011 at nagdulot ng pinsalang umaabot sa $157 million o katumbas ng P6 bilyon.

Ngayong umaga si Huaning ay inaasahang nasa layong 820 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes at sa Biyernes ay nasa layong 450 kilometro hilagang silangan ng Itbayat. 

Sa Sabado, si Huaning ay nasa 450 kilometro hilaga ng Itbayat saka lalabas ng bansa papuntang Northern Taiwan.

Pinawi naman ng PAGASA ang pangamba ng pubiko sa maaaring epektong idulot ni Huaning dahil maliit naman umano ang tsansa na tumama ito sa bansa dahil kung ano ang bilis nitong pumasok sa Pilipinas ay siya ring bilis na lumabas ng bansa.

Dahil dito, inalerto na kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga tanggapan nito sa pitong rehiyon na posibleng maapektuhan ng bagyo.

Tinukoy ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario ang Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Metro Manila.

Inilagay na rin sa alerto ng Naval Forces Nor­thern Luzon ang lahat ng units nito sa gitna ng inaasa­hang pananalasa ng bagyo.

ALVIN PURA

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

HUANING

ITBAYAT

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NAVAL FORCES NOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with