Plastic ban sa buong bansa
MANILA, Philippines - Isinusulong ni Cavite Rep. Lani Mercado sa Kamara ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bag sa buong bansa.
Sa inihaing House Bill 106 ni Revilla, nakasaad dito na sa loob ng 3 taon ay dapat na unti-unti ng ipagbawal ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga Non-biodegradable Plastic Bags.
Nakasaad rin dito na dapat obligahin ang mga commercial establishments na magbigay ng biodegradable plastic bags o bayong sa kanilang consumers anim na buwan mula ng ipatupad ang batas.
Nais rin nito na sa loob ng 60 araw mula ng ipatupad ang batas ay magkaroon ng in-store recovery program ang mga establisimyento kung saan ibabalik ng mga customer ang nagamit ng plastic bags sa kanila kung saan rin naman ito nanggaling.
Ang mga lokal na pamahalaan naman ang bahalang kumolekta sa mga nasabing plastik para sa pag-recycle o pag-dispose rito.
Kung nais naman ng customer ng plastic bag ay kailangan nitong magbayad ng piso kada isa.
Ang mga lalabag ay papatawan ng multa na hindi lalagpas ng P100,000 sa unang offense, P250,000 sa ikalawa, P500,000 sa ikatlong offense at P750,000 at pagbawi sa business permit para sa ika-apat na beses na pagÂlabag.
- Latest