Magtanim ng ‘Wonder Crop’ – DA
MANILA, Philippines - Hinihikayat ng pamunuan ng Department of AgriÂculture (DA) ang mga mamamayan partikular ang mga magsasaka sa bansa na magtanim ng Soya o Soybeans na tinawag na ‘Wonder Crop’ dahil sa pagkakaroon nito ng mataas na ‘protein content’, vitamins at mineral na nagsisilbing gamot sa iba’t-ibang uri ng karamdaman.
Ang Soya ang siyang ginagamit sa paggawa ng masustansiyang taho, tokwa at iba pa at nagsisilbi ring pangunahing sangkap sa paggawa ng feeds na pakain sa mga alagang hayop, tulad ng baboy at manok na in-demand sa merkado.
Itinalaga ni DA Sec. Proceso Alcala si Rosemarie “Rosie†Aquino bilang over all national coordinator ng Organic Soybean program ng kagawaran.
Isang bagong tatag na Golden Beans and Grains Producers Cooperatives (GBGPC) na pinamumunuan ni Dr. Nilo Dela Cruz ang sinusuportahan ngayon ng DA para sa pagtatamin ng ‘Wonder Crop Soya’.
Sa pagpupulong na isinagawa kahapon ng mga opisyal at miyembro ng GBGPC sa Plaza Leticia, Cabanatuan City, Nueva Ecija ay ipinangako ng DA sa pamamagitan nina Ma’am Rosie, DA Region 3 officials Dr. Art Dayrit at Ramon Timbol na lahat ng tulong ay kanilang ipagkakaloob sa GBGPC.
Sa mga nagnanais na maka-avail na libreng binhi ng Soya ay inaanyayahan ng DA na dumalo sa Agri Techno Demo Forum ni Francis Cansino ng Radyo ng Bayan (DZRB) sa Dizon’s Farm sa Parks and Wildlife sa Quezon City sa darating na July 20.
Ugaliin din makinig araw-araw kay ‘Ka Francis’ sa kanyang programang Maunlad na Agrikultura sa DZRB 738khz ganap na 4:00am araw-araw.
- Latest