Pag-amiyenda sa Kasambahay Law: DOLE sinopla ni Jinggoy
MANILA, Philippines - Sinopla kahapon ni acting Senate President Jinggoy Estrada ang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat ng amiyendahan ang bagong Kasambahay Law dahil sa tumataas na reklamo ng mga employers tungkol sa pagbabayad ng kontribusyon sa Social Security System (SSS).
Ayon kay Estrada walang dahilan para amiyendahan kaagad sa ngayon ang batas at dapat bigyan ng pagkakataon na maipatupad muna ito.
Sinabi pa ng senador na kung tutuusin ay pinalakas pa ng Kasambahay Law ang batas tungkol sa pagbabayad ng SSS ng mga employers.
Sinabi ni Estrada na dapat alam ng mga employers ang batas tungkol sa pagpapa-rehistro ng kanilang mga kasambahay sa ilalim ng SSS simula noong 1993 o kahit noong wala pa ang Kasambahay Bill.
“Ignorance of the law excuses no one,†pahayag pa ng senador.
Idinagdag ni Estrada na kung gusto ng DOLE ang Implementing Rules and Regulation (IRR) na ipinalabas nito ang dapat amiyendahan.
- Latest