^

Bansa

Bagong CBCP prexy matapang manindigan - Cruz

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang tiwala ng mga Catholic bishops sa kakayahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas para pamunuan ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Naniniwala si Linga­yen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dati ring naging pangulo ng CBCP, na bagamat si Villegas ay kilalang malapit kay dating Pangulong Corazon Aquino, na ina ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ay hindi ito basta-basta tatahimik na lamang sa mga isyu o hakbangin ng administrasyon o ng sinuman na labag sa paniniwala ng simbahan.

Ayon kay Cruz, si Villegas ay isang matalino at matapang na tao at handang tuparin ang kanyang pastoral duties sa simba­han at sa mga mamamayan.

Inihalimbawa pa ng arsobispo ang pahayag ni Villegas laban sa kontro­bersiyal na Reproductive Health (RH) Law na ikinagalit umano ng Palasyo.

Sa naturang pahayag ay mariing binatikos ni Villegas ang pamahalaan dahil sa paggamit ng pera ng mga mamamayan para ipambili ng mga contraceptives.

Ani Cruz, nangangahulugan lamang ito na magsasalita si Villegas kung kinakailangan at ihahayag ang saloobin alinsunod sa turo ng simbahan.

Iginiit ni Cruz na kila­lang-kilala niya si Villegas dahil magkasama aniya sila nang maitalaga ito bilang kalihim ni Cardinal Sin.

 

ANI CRUZ

CARDINAL SIN

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CRUZ

DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

PANGULONG CORAZON AQUINO

VILLEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with