^

Bansa

2nd batch ng bagitong solons sasalang sa legislative course

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang dadalo ngayong araw ang 44 mga bagitong kongresista para sa ikalawang batch ng apat na araw na pag-aaral tungkol sa lehislasyon.

Ang Executive Course on Legislation ay gaganapin sa Andaya hall ng Batasan complex sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Government sa pangu­nguna ni Dean Edna Co.

Tulad nang dinaanan ng unang batch ng mga neophyte congressmen, ang ikalawang batch ay tuturuan din sa mga teorya­, konsepto at dynamics ng lehislasyon para matulungan ang mga ito sa kanilang tungkulin.

Kabilang sa tatalaka­ying topics ang “Philippine administrative system; Philippine development plan and the constituents; roles and challenges fa­cing legislators; the national budget process; the dynamics of legislation; working with peers and institutions within the HRep.; parliamentary procedures and House Rules; communicating with constituents, the nation and the world; platforms of legislative agenda; and the Priority Development Assistance Fund.”

Matatandaang ginawa ang executive course on legislation sa unang batch ng 32 bagong mam­babatas noong Hunyo­ 24.

ANDAYA

ANG EXECUTIVE COURSE

BATASAN

DEAN EDNA CO

HOUSE RULES

HUNYO

INAASAHANG

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-NATIONAL COLLEGE OF PUBLIC ADMINISTRATION AND GOVERNMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with