Red tide binabantayan ng BFAR
MANILA, Philippines - Inatasan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kanyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa local government units sa Calbayog, Western Samar para manmanan ang posibleng redtide toxin ng shellfish (tahong) sa karagatan dito.
Ito ay bilang babala sa mga mamamayan sa coastal community na huwag kakain ng shell na manggagaling sa naturang karagatan habang isinasailalim sa siyentiÂpikong pagsusuri para kumpirÂmahin ang regulatory level ng toxin sa lugar.
Sa nakaraang reÂsulta sa huling red tide monitoring ng ahensiyaÂ, lumalabas na ang karaÂtig na karagatan ng Calbayog partikular ang kaÂÂragatan ng Cambatutay at Irong Irong Bay sa Western Samar ay mga posiÂtibo sa Paralytic Shellfish Poison.
Ang shellfish o tahong sa apektadong lugar sa Cambatutay at Irong Irong ay positibo ngayon sa red tide toxin na may ParalyÂtic Shellfish Poison base sa regulatory limit.
May 22 katao na sa Cambatutay ang napag-alamang nalason sa shellfish na positibo sa harmfull algal bloom (HAB) noong July 1, 2013.
Patuloy ang BFAR sa monitoring sa ibang kaÂragatan na positibo sa HAB, tulad ng Matarinao, Murceilagos, Dumanquillas, Cambatutay at Irong-Irong Bays para maÂtiyak na walang domestic movement sa lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. o alamang sa mga lugar na hindi ligtas para sa pagkain.
Gayunpaman, sa mga lugar na walang HAB occurrence, iniulat ng BFAR sa publiko na ang isda, pusit at hipon pati ang alimasag ay ligtas na kaÂinin na dapat ang mga ito ay sariwa at hinugasan ng mabuti, tinanggal ang bituka at hasang bago lutuin.
- Latest