Pangungurot, pamimingot sa mga bata ibabawal
MANILA, Philippines - Muling inihain sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pangungurot at pamimingot ng tenga ng mga bata at iba pang uri ng corporal puÂnishment.
Sa pagkakataong ito, si Senator Nancy Binay ang naghain ng panukala na tatawaging Anti-Corporal Punishment Act of 2013 na unang isinulong ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.
Layunin nito na tuluyang ipagbawal ang paglalagay sa kahihiyan ng isang bata bilang paraan ng parusa o pagdidisiplina.
Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang pangungurot, pamimingot ng tenga, pananabunot, pagmumura, paninigaw sa mga bata sa eskwelahan at sa iba pang lugar kahit na sa loob ng bahay.
Mahigpit ding ipagbabawal ang pamamalo, pananaÂdÂyak, pananampal, panglalait, gayundin ang pagpapaluhod sa mga bata sa monggo o buhangin bilang parusa.
Bawal din na puwersahin ang mga bata na gawin ang mga delikadong gawain bilang parusa tulad ng pagwawalis o paghuhukay sa gitna ng mainit na sikat ng araw o malakas na buhos ng ulan, pagkukulong sa mga bata at pananakot.
- Latest