Bata ibabawal sa motorsiklo
MANILA, Philippines - Para hindi malagay sa peligro, nais ipagbawal ni Sen. Tito Sotto ang pag-aangkas ng mga bata sa motorsiklo kung wala pa silang 12 taong gulang.
Sa Senate Bill na inihain ni Sen. Sotto, sinabi nito na bagaman at nasa mga magulang ang resÂponsibilidad na siguraduhin ang kaligtasan ng kanilang mga anak, mayroon pa ring mga nag-aangkas ng mga bata sa motorsiklo na lubhang delikado.
Maaari aniyang igiit ng estado ang kapangyarihan nitong “parens patriae†kung saan maaaÂring protektahan ang mga mamamayan kabilang na ang mga bata.
Sinabi ni Sotto na masÂyadong delikado ang pag-angkas sa likuran ng motorsiklo lalo na ng mga bata na mahina pa ang mga “reflexesâ€.
“Children are extremely vulnerable and at risk when riding at the backseat of a motorcycle. Because of their tender age, their reflexes are different from adults and they may not be able to react rightly to some situations, thus their reactions may result in a situation that could cause them to fall and suffer injury or even death,†ani Sotto sa kanyang panukala.
Dahil dito marapat lamang aniyang magkaroon ng batas na magbabawal sa pag-aangkas ng mga bata sa motorsiklo kung wala pa siyang 12 anyos.
Ang panukala ay tatawaging “Prohibition on Children Riding Motorcycles Act of 2013†kung saan gagawing ilegal ang pag-aangkas ng mga batang wala pang 12 taong gulang sa mga two-wheeled motor vehicle.
Multang hindi bababa sa P5,000 sa first offense; P10,000 sa ikalawa at P20,000 sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.
- Latest