Ginawang palabunutan: 1st day sa paghahain ng panukalang batas
MANILA, Philippines - Naging tradisyon na sa Senado ang pag-uunahan sa paghahain ng panukalang batas tuwing papasok ang bagong Kongreso kaya ginawang “palabunutan†ang style kahapon ng Legislative Bills and Index Service (LBIS) sa kung sinong senador ang dapat unang maghain ng panukalang batas.
Pinalad na unang mabunot si Senator Vicente “Tito†Sotto na naghain ng panukalang batas na naglalayong magbuo ng isang special court na tatawaging DangeÂrous Drugs Court kung saan aamiyendahan din ang Section 21 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.
Sa hanay ng 24 na senador tanging sina Senators-elect Nancy Binay at Grace Poe lamang ang personal na nagtungo sa Senado upang ihain ang kanilang panukalang batas samantalang ang ibang senador ay kinatawan ng kani-kanilang mga staff.
Pangalawang nabunot si Senator Loren Legarda na naghain ng panukalang tungkol sa Pantawid Tuition Program na naglalayong pondohan ng gobyerno ang isang college scholar ng bawat mahirap na pamilya.
Inihain din ni Legarda ang Pag-Asa modernization bill na naglalayong pondohan ang tatlong taong moÂdernization ng state weather bureau.
Sumunod kay Legarda ang tanggapan ni Sen. Ferdinand “Bongbong†Marcos na naghain ng panukala na mag-aamiyenda sa Section 6 ng Republic Act 10175, o batas tungkol sa cybercrime. Inihain din ang panukala ni Marcos na naglalayong itaas ang pensiyon sa ilalim ng Social Security System.
- Latest