Signal no.1 sa 13 lalawigan kay ‘Gorio’
MANILA, Philippines - Ganap nang naging bagyo kahapon ang isang sama ng panahon na tatawaging Gorio na patuloy na nagbabanta sa Eastern Visayas. Alas-5 ng hapon kahapon, si Gorio ay namataan ng Pag Asa sa 290 kilometro silangan ng Surigao City taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro at kumikilos sa bilis na 19 kilometro bawat oras. Bunsod nito, nakataas ang signal number 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, CaÂtanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, Masbate at Polilio Island sa Luzon gayundin sa Samar ProÂvinces, Leyte Provinces, Biliran Island sa Visayas, at Dinagat at Siargao Island sa Mindanao. Pinag-iibayo ng bagyo ang habagat kaya patuloy ang malakas na pag-uulan sa buong Visayas at Mindanao. May mga pag-uulan naman sa hapon at gabi sa Metro Manila dulot ng habagat.
- Latest