^

Bansa

Matinding trapik ngayong weekend

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan na ang patuloy na buhol-buhol na trapiko sa mga lansangan sa kamaynilaan makaraang ihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang patuloy na “concrete re-blocking” sa pitong pangunahing lansangan hanggang Lunes ng madaling araw.

Isasagawa ang pagkukumpuni ng kalsada ng Department of Public Works and Highways sa Mandaluyong, Quezon, Pasay at Caloocan. Nag-umpisa ang pagkukumpuni nitong Biyernes at magtatapos Lunes ng umaga.

Partikular na gagawin ang mga kalsada ng Mandaluyong City: EDSA kanto ng Reliance hanggang Libertad Streets (northbound). Sa Caloocan City: kanto ng EDSA at A. de Jesus U-Turn Slot hanggang J. Mariano St. (southbound, lane 3); kanto ng EDSA at G. De Jesus St. at Malvar St. (northbound).

Sa Pasay City: kanto ng EDSA at Malibay Bridge hanggang C. Jose St. (northbound, fifth lane). Sa Quezon City: kanto ng EDSA at Seminary Road hanggang Rena Road (northbound, fifth lane); kanto ng EDSA at Kai­ngin Road hanggang Dario Bridge 1 (southbound, third lane); at sa kahabaan ng Commonwealth Avenue hanggang North Susana to Luzon Ave. (southbound, third lane).

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga naturang lugar at gamitin ang mga alternatibong ruta upang makaiwas sa pagkabalahaw sa trapiko.

COMMONWEALTH AVENUE

DARIO BRIDGE

DE JESUS ST.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

HANGGANG

JESUS U-TURN SLOT

JOSE ST.

LIBERTAD STREETS

LUZON AVE

MALIBAY BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with