Mga guro pumalag sa P10K bonus sa DPWH
MANILA, Philippines - Pinaratangan ng mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) si Pangulong Aquino na may diskriminasyon sa ibang empleyado ng pamahalaan sa pagbibigay ng P10 libong bonus sa mga tauhan ng Department of Public Works and Highways.
Sinabi ni ACT chairperson Benjie Valbuena na hindi masikmura ng mga guro ang pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi dapat magselos ang ibang empleyado ng pamahalaan kabilang na ang mga guro.
“Bakit kami hindi nakatanggap ng anniversary bonus sa mga nakalipas na panahon? Nagtataka kami bakit nabigyan ng special bonus ang DPWH. We find this discriminatory among government employees,†ani Valbuena.
Isa pa umanong ipinagtataka nila ay ibinigay ang bonus sa panahon na patuloy pa rin ang pagbabaha sa Metro Manila at mataas pa rin ang antas ng korapsyon sa ahensya.
Igniit ng ACT na dapat itrato ng pamahalaan na pantay lahat ng kanilang empleyado at walang bias o pagkiling sa partikular na ahensya.
Kung wala umanong diskriminasyon ang Malacañang, dapat magbigay rin ito ng kaparehong bonus hindi lamang sa mga guro ngunit sa iba pang empleyado ng pamahalaan.
- Latest