^

Bansa

Illegal possession vs Benaldo

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng makasuhan ng illegal possession of firearms si outgoing Cagayan de Oro Rep. Benjamin “Banjo” Benaldo matapos na lumitaw sa rekord ng PNP na expired na ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) nito noon pang Marso 22, 2012 na naka-address sa Causwagan, Misamis  Oriental.

Sinabi ni Sr. Supt. Ricardo Zapanta, Head Secretariat ng PTCFOR na wala silang rekord na nag-apply ng bagong PTCFOR si Benaldo mula ng mapaso ito noong nakalipas na taon.

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief P/Sr. Supt. Reuben Teodore Sindac sakali namang lumabas sa imbestigasyon ng Quezon City Police na accidental firing ang nangyari kay Benaldo ay kasong illegal discharge of firearm ang maari nitong kaharapin.

Namemeligro ring kanselahin na ng PNP-Firearms and Explosives Division ang lisensiya ng baril ni Benaldo matapos ang umano’y bigong suicide sa loob ng kaniyang tanggapan sa Batasang Pambansa, QC kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni PNP-FED Director P/Chief Supt. Raul Petrasanta na ang tangkang pagpapakamatay ng isang gun owner gamit  ang baril nito ay isang malinaw na ground para i-revoke na ang lisensya nito.

Sa rekord ng PNP-FED, personal na baril ni Benaldo ang ginamit nito sa tangkang suicide.

Ang nasabing armas na isang 9mm Sig Sauer P239 na may serial number 125465 ay nakarehistro sa pangalang Jose Benjamin Banjo Abrio Benaldo na ang lisensya ay mapapaso pa sa 2015.

Si Benaldo, 43, ng Vista Real Subd., QC ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang dibdib na tumagos sa kanyang likod at tumama pa sa jalousie sa likod ng opisina nito. Natagpuan siyang duguan sa south lobby ng House of Representatives at isinugod sa New Era General Hospital sa Quezon City dakong 7:30 ng gabi nitong Huwebes.

Sa panig naman ni Chief Inspector Nelson Bautista, Chief ng Enforcement and Investigation Unit ng FED, hindi exempted si Rep. Benaldo sa resolus­yon ng kanilang tanggapan kung saan kung hindi mai­ngat at responsable ang gun owner sa paggamit ng baril ng mga ito ay maari itong makansela.

Inihalimbawa ni Bautista ang ginawa nilang pagkansela sa lisensiya ng baril ng umabusong motoristang si Robert  Blair Carabuena matapos nitong manapak ng isang traffic aide ng MMDA.

Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ng PNP-FED ang resulta ng imbestigasyon ng Quezon City Police District sa insidente ng pagkakabaril sa solon na magiging batayan kung kakanselahin ang lisensya nito na agarang ipatutupad kung guilty ito. 

Tungkol naman sa pagsasa-ilalim sa paraffin test sa kongresista, giit ni QCPD Director Senior Supt. Richard Albano, hindi kailangang gawin ang naturang proseso dahil hindi naman ito akusado at wala namang complainant laban sa kanya. 

Sa kasalukuyan stable na umano ang kalagayan ng mambabatas.

vuukle comment

BATASANG PAMBANSA

BENALDO

BLAIR CARABUENA

CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

CHIEF INSPECTOR NELSON BAUTISTA

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with