^

Bansa

Piyesta hindi panahon ng inuman, kainan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paggunita sa pagkakatatag ng isang diocese at pagbibigay parangal sa mga santo ang panahon ng kapistahan. Ito ang paglilinaw ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle  kung saan kadalasang isinasagawa ang kapistahan dahil sa inuman, kainan at pagkikita ng mga magkakaibigan.

Ayon kay Archbishop Tagle, ang piyesta ay isang uri ng church gathering kaya hindi dapat nahahaluan ng anumang bisyo. Subalit sa pagdaan ng panahon, ang mga piyesta ngayon aniya ay nagiging pagtitipon na lang ng mga mahihilig uminom, mahilig kumain at mahilig sa tsismis.

Binanggit na halimbawa nito ang sinapit ng Ba­yang Israel nang mahulog sa mga pagkakasala at magkawatak-watak. Hinimok ng Cardinal ang lahat ng mga dadalo sa alinmang piyesta na isaalang-alang ang kabanalan ng pagdiriwang at hindi ang puntirya lang ay ang bisyo.

ARCHBISHOP TAGLE

AYON

BINANGGIT

HINIMOK

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

PAGGUNITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with