^

Bansa

Para iwas lundag at hulog sa riles Automatic doors sa MRT inilagay na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Metro Rail Transit (MRT) ang paglalagay ng mga automatic doors sa bawat istasyon ng MRT.

Ayon kay Engr. Mike Narca, pinuno ng MRT Maintenance and Engineering Office, una nilang nilagyan ng platform screen doors ang North Avenue Station sa Quezon City.

Layunin aniya nito na maiwasan ang mga aksidente ng pagkahulog sa riles ng mga pasahero dahil sa tulakan ng mga nag-uunahang makasakay sa tren.

Bukod dito, inaasa­hang maiiwasan din ang mga insidente ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa riles kapag malapit na ang tren.

Sinabi naman ni MRT general manager Al Vitangcol III na maglalagay din sila ng mga kahalintulad na barrier sa iba pang istasyon ng MRT.

Gayunman, kailangan muna aniya nilang i-eva­luate o pag-aralan sa loob ng isa hanggang dalawang buwan ang naturang barrier upang matukoy kung naging epektibo nga ba ito o hindi.

Kasabay nito, tiniyak rin ni Vitangcol sa mga pasahero na hindi ipapasa sa kanila ang halaga ng naturang barrier, na aabot ng P10 milyon.

“Titingnan muna natin. Evaluate natin one to two months kung maganda ang resulta, saka implement sa ibang istasyon,” ani Vitangcol. “Wala nang makakatalon diyan. ‘Pag lumundag sila, sa loob ng tren sila makakalundag.”

Ang barrier ay gawa sa tempered glass upang hindi ito madaling masira ng mga pasahero at ang pundasyon nito ay ginamitan ng aluminum alloy upang matiyak na matibay at malakas ito.

Awtomatikong bubukas ang mga platform screen doors pagdating ng tren para makalabas at makapasok ang mga pasahero.

Itinulad ang platform screen doors sa mga istasyon ng tren sa ibang bansa.

Ang MRT, na may mahigit 600,000 pasahero kada araw ang nagkokonekta sa North Avenue at Taft Avenue sa Pasay City sa pamamagitan nang pagdaan sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Noong Hunyo 2 napilitan ang MRT na limitahan ang operasyon nito sa North Avenue at Shaw Boulevard matapos na isang lalaki ang masaga­saan ng kanilang tren.

AL VITANGCOL

MAINTENANCE AND ENGINEERING OFFICE

METRO RAIL TRANSIT

MIKE NARCA

MRT

NOONG HUNYO

NORTH AVENUE

NORTH AVENUE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with