^

Bansa

Mataas na multa sa oil spill

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pag-aaralan na ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagpapataw ng mas mataas na multa sa Larraine and Marketing o L& M Oil Depot, ang kumpan­yang responsable sa oil spill sa Pasig River nuong Sabado ng gabi. 

Ito ang sinabi ni Presidential Adviser on Environment Concerns at LLDA General Manager Nereus Acosta na may hurisdiksyon sa mga pasilidad na nakatayo sa paligid ng Ilog Pasig.

Ang minimum na pe­nalty umano na maaring ipataw ng LLDA bunsod ng nasabing paglabag ay P10,000 kada araw, pero ayon kay Secretary Acosta, nagpadala na sila ng grupo para sumuri ng lawak ng naging pinsala ng oil spill na nakumpirmang galing sa pasilidad ng L & M.

Ipinaliwanag ni Sec. Acosta na sa naganap na oil spill, malinaw na sumobra sa maximum na waste water discharge ang nasabing kumpanya.

Posible silang magpalabas ng cease and desist order laban sa L & M kung saan iuutos nila ang pagpapasara sa mga tubo nito na daluyan ng waste water patungo sa Pasig River, pero hihintayin na raw muna nila na matapos ang ginagawang assesment ng kanilang tanggapan na pagbabatayan ng nasabing kautusan.

ENVIRONMENT CONCERNS

GENERAL MANAGER NEREUS ACOSTA

ILOG PASIG

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

LARRAINE AND MARKETING

M OIL DEPOT

PASIG RIVER

PRESIDENTIAL ADVISER

SECRETARY ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with