^

Bansa

Pinay ni-rape ng 2 Kuwati police at Egyptian!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Pinay ang ginahasa ng dalawang Kuwaiti Police at isang Egyptian na pumasok sa kanyang bahay matapos magsagawa ng pagsa­lakay at crackdown laban sa mga illegal workers sa nasabing bansa.

Sa report na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs (DFA), alas-3 ng madaling-araw noong Hunyo 17 nang may kumatok sa apartment ng biktimang OFW na itinago sa pangalang Rhiza, 36, habang siya ay nag-iisa at ang mga housemates nito ay nasa trabaho. Nang bahagyang buksan niya ang pinto ay biglang pumasok ang isang lalaki na naka-police uniform at agad na tinanong sa kanya ang kanyang civil ID. Pumasok din ang isa pang lalaki na nakasuot ng itim na shirt at pants at bigla umano siyang hinalikan at hiningi ang kanyang mobile number saka umalis. 

Dahil dito mabilis uma­nong tumakbo ang Pinay sa kanyang kuwarto subalit sinundan siya ng isang suspek kaya ipinakita niya ang kanyang civil ID, visa at iginiit na legal ang kanyang pananatili at pagtatrabaho sa Kuwait. Gayunman, inu­tusan pa umano ng sus­pek ang biktima na isara ang pinto ng kuwarto, at saka tinakot hanggang sa halayin. 

Sumunod na duma­ting ang Egyptian at nagmakaawa ito na huwag siyang galawin subalit walang nagawa ang kawawang Pinay kaya naganap uli ang panghahalay. Agad din umanong dumating sa kuwarto ang isa pang pulis at saka siya ginahasa. 

Ayon sa biktima, hindi namalayan ng isang pulis na nalaglag ang kanyang handcuff o posas sa sahig ng kuwarto habang isinasagawa ang panggagahasa kaya nagsisilbi ring ebidensya ito na ipinasa niya sa Embahada.

vuukle comment

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

GAYUNMAN

ISANG PINAY

KANYANG

KUWAITI POLICE

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with