Pagbibitiw ng administrator hiniling: Mga empleyado ng MWSS, nag-rally
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng indignation rally ang mga empleyado ng Meropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) upang igiit ang pagbibitiw ni MWSS Administrator Gerardo Esquivel dahil sa umano’y maanomalyang pagkuha nito sa 40 consultants sa nakaraang 2 taon.
Sinamahan ang MWSS Labor Association ng militants ng grupong Mamamayan Laban sa Katiwalian (MLK) kung saan ay hiniling nila ang agarang pagsibak kay Esquivel ni Pangulong Benigno Aquino lll at balasahin ang liderato nito.
Ayon kay Zeny Guillermo ng MLK, mariin nilang kinokontra ang mga illegal na ginawa ni Esquivel sa pagkuha ng 40 consultants na hindi umano sang-ayon sa tuwid na daan ng Aquino government.
“He should step down from his post immediately for making a mockery of the President’s Daan Na Matuwid policy,†Wika pa ni Guillermo.
Binatikos din ng MWSS Labor Association president Napoleon Quinones ang mabagal na aksyon ng tanggapan ng Ombudsman sa kasong isinampa nila laban kay Esquivel.
- Latest