‘Sabit sa sex-for-flight’: Kasong kriminal vs diplomatic offc’l
MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsasampa ng kasong kriminal at terminasyon sa trabaho laban sa mga embassy at labor officials na isinasangkot sa “sex-for-flightâ€.
Sa pulong balitaan sa DFA kahapon, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na kakasuhan ng sexual harrassment, molestation at trafficÂking ang mga opisyal na resÂponsable sa pang-aabuso, pangmomolestya at pambubugaw sa mga kababaihang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagigipit matapos ang pormal na pagbibigay ng salaysay ng tatlong Pinay mula Saudi Arabia. IreÂrekomenda rin ng DFA na masibak sa tungkulin ang mga opsiyal na isinasangkot sa “sex ringâ€.
Sinabi ni del Rosario na natapos na ang pagbibigay ng testimonya ng tatlong OFWs na biktima ng sex-for-fly sa magkahiwalay na fact finding team ng DFA at Department of Labor and Employment (DFA) laban sa mga tiwali at mapagsamantalang embassy at labor officials.
Tumanggi pa si del Rosario na pangalanan ang mga opisyal na nakatakdang sampahan ng kaso habang nagpapatuloy pa umano ang isinasagaÂwang parrallel investigation sa kontrobersiya.
Bukod sa sex-for-fly na ibinulgar, binanggit din ng mga OFWs ang ginagawang umano’y hindi magandang pagtrato ng mga embassy at labor officials sa mga nagigipit na OFWs sa mga halfway houses at shelter ng Embahada at Philippine Overseas Labor Office tulad ng pagbabawal ng paggamit ng cellphone, hindi wastong pagbibigay ng pagkain at hindi pagtanggap sa mga Pinay na tumatakbo sa kanila upang humingi ng tulong matapos silang tumakas sa mga amo dahil sa pang-aabuso at pagmamaltrato.
Bukod sa Middle East kung saan pumutok ang sex for fly, titingnan ng DFA ang ibang hinaing ng mga OFWs sa mga Embahada o Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, Singapore at Malaysia.
- Latest