Paghahanda sa 16th Congress 31 bagitong solons 4 araw mag-aaral
MANILA, Philippines - Sasailalim sa apat na araw na executive course on legislation ang halos nasa 31 bagong halal at first termer na mambabatas simula ngayong araw ng Lunes.
Ang executive course ay inisyatibo ni House Speaker Sonny Belmonte at ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) sa pangunguna ni Dean Edna Co.
Layon ng apat na araw na kurso simula Hunyo 24 hanggang 27 na matulungan ang mga bagong miyembro ng Kamara ngayong papasok na 16th Congress nang kaalaman sa teorya, konsepto at dynamics ng lehislasyon lalo na sa partisipasyon ng legislative districts ng mga ito.
Kabilang na rito ang kaalaman sa parliamentary procedures, House Rules at organization of a Legislators Office kasama na ang national budget.
Magsisilbing resource persons ang mga matatagal nang mambabatas, expert academicians at accomplished career public officials.
Ang Center for Policy and Executive Development (CPED) ng UP-NCPAG at Office of the Secretary General ang mangangasiwa sa naturang kruso.
Gagawin ang unang araw ng kurso sa UP Executive House habang ang susunod na tatlong araw ay gagawin sa Andaya Hall ng Kongreso. Gagawin ito mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest