Seizure warrant sa Chinese ship ipinalabas ng Customs
MANILA, Philippines - Ipinalabas ng Bureau of Customs ang warrant of seizure and detention (WSD) laban sa barkong Intsik na M/V Ming Yuan na umano’y iligal na nananatili sa Cebu nang mahigit isang buwan na.
Maaari ding kumpiskahin ang naturang barko kung hindi ito makakapagbigay ng makatwirang paliwanag.
Sinabi ni BOC Cebu District Collector Edward dela Cuesta na nagpalabas siya ng WSD laban sa 19,998 gross ton na barkong M/V Ming Yuan na nananatiling nakadaong sa pagitan ng Malapascua Island at Carnasa Island sa Cebu mula pa noong Mayo 19.
Sinabi pa ni Dela Cuesta na ang paglabag na ginawa ng M/V Ming Yuan sa ilalim ng Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP) ay hindi masosolusyunan sa pagbabayad lang ng multa. Pinigil din ang naturang barkong Intsik para matiyak na hindi ito makakaalis sa Pilipinas hangga’t isinasagawa ang imbestigasyon.
Kukumpiskahing tuluyan ang barko kapag napatunayang lumabag ito sa mga probisyon ng TCCP at maaari itong isubasta, dagdag niya.
Samantala, isusulong sa darating na 16th Congress ng isang makaadministrasyong mambabatas ang pagpapatibay ng panukalang-batas na magpapataw ng mas mabagsik na parusa sa foreign poaching.
Idinahilan ni Kalinga Party-list Rep. Abigail Faye Ferriol ang dumaraming dayuhang barko na pumapasok sa karagatan ng Pilipinas para mangisda at manguha ng iba pang mga marine resources tulad ng endangered corals at turtles.
Nananatiling tensiyonado ang relasyon ng Pilipinas at ng Taiwan kasunod ng pagkakapaslang ng Coast Guard sa hinihinalang Taiwanese poacher noong nakaraang buwan.
“Matagal nang problema ang pangingisda ng mga dayuhan sa karagatan ng Pilipinas. Bahagi na ng mga balita ang mga report hinggil sa mga dayuhang barko na pana-panahong nahuhuli ng naval authorities,†sabi ni Ferriol.
Sinabi pa niya na laging kaakibat ng panghihimasok na ito ang pandarambong sa likas na kayamanan ng bansa at ang kalubhaan ng problema ay nabubunÂyag sa ilang mga insidente kapag nakakakumpiska ang mga awtoridad ng napakaraming corals at iba pang lamang-dagat.
“May mga naaaresto ring dayuhan dahil sa pag-iingat ng mga endangered species sa Southern Philippines,†sabi pa ni Ferriol.
Sa isasampa muli ni Ferriol na House Bill 5430, pagmumultahin ng $100,000 at makukulong ng 12 taon ang mga dayuhang mapapatunayang nagkasala ng poaching.
Dapat na anyang masawata ang iligal na aktibidad ng mga dayuhan sa karagatan ng Pilipinas at ipatupad ang mas mabagsik na parusa tulad ng pagkabilanggo.
- Latest