$26 palit sex alok sa gipit na OFWs
MANILA, Philippines - Nadiskubre ng grupong Migrante sa Gitnang Silangan na napipilitang ‘kagatin’ ng mga nagigipit na overseas Filipino workers ang 26 dolyares o mahigit P1,000 kapalit ng sex service upang makauwi lamang sa Pilipinas.
Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East at North Africa, base sa kanilang nakuhang mga impormasyon sa mga nabiktimang Pinay ng “sex for flyâ€, ang mga desperadong makauwi umano sa kanilang mahal sa buhay ay tinatanggap ang bayad na 100 rial ($26) hanggang $78 (300 rial) kapalit ng sex service.
Ang ibang nagigipit na Pinay ay binabayaran din umano ng 500 rial ($130) hanggang 1,000 rial ($260) kapalit ng kanilang serbisyong seksuwal sa Saudi Arabia.
Ang impormasyon ay nakalap ng Migrante mula sa mga biktima kasunod ng paglutang ng isang OFW na nagtrabaho sa Riyadh na maging sa Saudi ay may “indecent proposal†ang mga embassy at labor officials para sa mga distressed OFWs.
Napag-alaman ng Migrante na may mga OFWs na tumakas sa amo at tumatakbo sa Embassy o POLO shelter ang nakaranas ng nasabing sex for fly scheme.
Karaniwan umano na tatanungin ng case officer kung may pera ang naturang distressed OFW para sa kanyang repatriation at kung wala ay dito mananamantala ang mga tiwaling labor officers sa kanilang “indecent proposalsâ€.
Sa gabi habang nasa shelter, sinusundo raw ang kausap na Pinay victim ng driver o staff ng embassy o POLO officer upang ihatid sa kliyente.
Samantala, pinauwi na ng DFA ang 13 ambassadors at consul generals sa iba’t ibang Philippine post sa Middle East para sa isasagawang imbestigasyon sa “sex for fly†sa OFWs.
- Latest