‘Tawa-tawa’ vs dengue hindi iniendorso ng DOH
MANILA, Philippines - Hindi ipinagbabawal, pero hindi rin iniendorso ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng herbal medicine na ‘tawa-tawa’ o Euphorbia hirta herbal plant, para laba nan ang dengue dahil wala pa namang patunay na epekÂtibo nga ito at ligtas.
Nagiging popular sa ngayon ang ‘tawa-tawa’ sa mga rural at urban areas, para labanan ang dengue matapos mapaulat na may isang pag-aaral umano na lumabas na ang mga taong may dengue na pinainom ng tawa-tawa ay naging mas mabagal ang pagbaba ng platelet count, at naging mas mabilis ang recovery mula sa sakit.
Sinabi ng DOH na 2012 pa ay sinimulan na ng Philippine Council for Health Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST) ang pag-aaral sa mga aktibong sangkap ng tawa-tawa upang matukoy kung epektibo nga itong panlaban sa dengue.
Ani Health Sec. Enrique Ona, ang naturang herbal medicine ay may anti-viral at anti-inflammatory properties at may kakayahang pataasin ang blood platelets ng pasÂyente.
Pero nagbabala si Ona laban sa maling paggamit ng tawa-tawa.
Mula Enero hanggang Hunyo 8, 2013 ay umakyat na sa 193 ang nasawi sa dengue. Umakyat na rin sa 42,207 ang dengue cases na naitala sa bansa at 50 sa mga ito ay nito lamang Hunyo.
- Latest