^

Bansa

P1 budget sa DFA, DOLE sa ‘sex for fly’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni acting Se­nate President Jose “Jinggoy” Estrada na isusulong niya ang paglalaan lamang ng tig-pisong budget sa dalawang departamento ng gobyerno para sa 2014 kung hindi mabibigyan ng hustisya ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga overseas Filipino workers na biktima ng prostitusyon o “sex-for-fly”.

Ayon kay Estrada, chairman ng Senate committee on Labor, Employment and Human Resources Development at Congressional Oversight Committee on Overseas Workers Affairs, nakakaga­lit na marinig na mismong ilang tiwaling opisyal ng gobyerno ang nagsasamantala sa mga OFWs.

Ang mga hindi pa pinapangalanang biktima ay pansamantala umanong tumuloy sa Philippine Overseas Labor Office – Overseas Workers Wel­fare Administration (POLO-OWWA) habang hinihintay ang kanilang repatriation at employment documents pero nagawa pang ibugaw ang ilan ng mga opisyal ng ilang embahada sa Middle East.

Sinabi ni Estrada na maituturing na heinous offense ang ginawa ng mga sangkot na opisyal at bukod sa parusang dapat ipataw sa kanila ay hindi na ang mga ito dapat makabalik sa public office.

Napaulat na ilang opis­ yal ng embahada sa Middle East lalo na sa Kuwait ang sangkot sa “sex-for-flight” scheme kung saan pinipilit ang ilang OFWs na makipag-sex kapalit ng ticket pauwi sa Pilipinas.

Bukod pa rito ang opisyal na nagpapatakbo umano ng prostitution rings na nambibiktima sa mga babaeng OFWs na nasa shelters.

Sinabi ni Estrada na maraming OFWs na ka­ramihan ay kababa­ihan ang napipilitang tumakas sa kanilang mga emplo­yers dahil nakaranas sila ng pang-aabuso.

Sa susunod na Kongreso tatalakayin ang na­tional budget para sa 2014 kung saan makakasama ang budget ng DFA at DOLE.

Kaugnay nito, nagbanta si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at Akbayan Rep. Walden Bello na magbibitiw sa Kongreso kung hindi mapa­panagot ang mga sangkot sa “sex for fly” scheme.

Partikular na tinukoy ni Bello na dapat maparusahan sa pang-aabuso sa mga Pinay OFW ang mga itinuturong opis­ yal na sina Antonio ng Amman, Jordan, Blas Marquez, na opisyal ng POLO sa Kuwait at isang Mr. Kim na nakabase sa Damascus, Syria.

Ang bantang pagbibitiw ay pagpapakita umano ng protesta dahil sa kawalan ng aksyon ng pamahalaan. (May ulat ni Gemma Garcia)

AKBAYAN REP

BLAS MARQUEZ

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

MIDDLE EAST

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with