MANILA, Philippines - Patuloy ang paglakas ng bagyong Emong habang ito ay palabas na ng bansa ngayong Huwebes.
Alas-11 ng umaga kahapon, huling namataan si Emong sa layong 400 kilometro silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng haÂngin hanggang 90 kilometro bawat oras.
Si Emong ay kumikilos sa direksiyong pahilaga sa bilis na 19 na kilometro bawat oras papunta sa timog bahagi ng Japan.
Ngayong Huwebes ng umaga, si Emong ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Bagamat palayo na ng bansa, patuloy namang pinag-iibayo ng bagyo ang Habagat na magdadala ng mga pag-uulan sa Luzon.