20K squatters sa estero ilikas!
MANILA, Philippines - Pinalilikas na ng MaÂlacañang ang may 20,000 squatters na nakatira sa mga estero at major waterways kasunod ng nangyaring “massive†na pagbaha sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, desidido ang gobyernong Aquino na ilipat sa mas ligtas na lugar ang nasabing 20,000 pamilya at inaasahang mangyayari ito bago matapos ang 2013.
Sinabi rin ni Sec. CaÂrandang na dapat tiyaking hindi na makakabalik ang maililikas dahil sa sandaÂling makabalik ang mga informal settlers sa mga waterways makaraang mailipat na sila sa mga relocations sites ay kakasuhan ng gobyerno ang mga local executives at barangay officials.
Sinisi ni Public Works Sec. Rogelio Singson ang mga alkaldeng kaalyado ni Pangulong Aquino sa Metro Manila na nagiÂging sagabal sa pagpapatupad nang kanilang flood control master plan upang paalisin ang mga informal settlers sa mga waterways.
Ibinunyag ni Sec. Singson sa media briefing sa Palasyo na nakiusap umano ang mga alkalde na huwag munang ipatupad ang pagpapaalis sa mga informal settlers na nakatira sa mga estero at waterways dahil na rin sa eleksyon.
Natakot naman si Singson na tukuyin kung sino-sino ang mga alkalde.
Ang Maynila ay may 2,249 pamilya ng mga informal settlers na nakaÂtira sa waterways habang nasa 6,012 ang dapat paalisin sa mga estero sa Caloocan City, mahigit 2,000 sa Las Pinas City, 3,000 sa Malabon City, 7440 sa Pasig City, 3,672 sa Taguig, 6,000 sa Navotas at nasa 3,686 sa Muntinlupa.
Aniya, hindi sa kanya nakiusap ang mga alkalde at hindi raw niya alam kung kanino ito lumapit upang huwag munang paalisin ang mga squatters sa waterways dahil na rin sa nakaraang May 2013 elections.
Ayon naman kay House Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, dapat mayroong basic services sa paglilipatan sa mga ito tulad ng palengke, eskwelahan, health centers at trabaho.
Ito ay upang wala nang idahilan pa ang mga informal settlers para bumalik pa sila sa dating mga tirahan.
Bukod dito ay mawaÂwala na rin ang pagsisikip sa Metro Manila kapag lumipat ang mga informal settlers at mababawasan ang matinding traffic dahil malilinis na ang mga lugar na tinitirhan ng mga ito na isa sa mga sanhi ng pagbara at pagbaha sa lungsod. (Dagdag ulat ni Gemma Garcia)
- Latest
- Trending