MWSS employees umapela sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Hiniling ng mga empleyado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kastiguhin ng Ombudsman si MWSS Administrator Gerardo Esquivel dahil umano sa illegal na pagkuha nito ng 40 consultants sa loob ng 2 taon habang inipit naman ang kanilang benepisyo.
“MWSS employees are demoralized. Esquivel and his board of trustees have withheld the benefits of regular employees, all the while engaging in a hiring spree of consultants,†paliwanag ni MWSS Labor Association president Napoleon Quinones.
Anila, si Esquivel ay nagbigay umano ng P10 milyong campaign kitty kay Pangulong Aquino noong 2010 elections at itinalaga sa MWSS. Sa kabila ng moratorium sa pandagdag ng personnel ay kumuha ng 40 consultants at inaprubahan nito ang 162 job orders.
Wika pa ni Quinones, hinihintay pa rin nila ang kilos ng Ombudsman sa kasong isinampa nila kay Esquivel.
- Latest