^

Bansa

PCOS kinuwestyon ng local bet

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain ng election protest sa Commission on Election si Vice Ma­yor Severino ‘Binoy’ La­jara  ng Calamba, Laguna dahil sa pagkakaroon umano ng ‘hokus-pokus’ sa mga PCOS machines na ginamit sa katatapos na May 13 midterm elections.

Ayon sa Comelec, si Lajara ay nakakuha ng 67,000 boto kumpara sa 72,000 ng kanyang nakalaban sa halalan sa pagka-alkalde sa Calamba o lamang na 4,000 boto. Aniya, mula sa hawak nilang record galing sa kanyang mga lider sa bawat polling precinct ay lumilitaw na lamang siya ng 5,000 boto.

Kinuwestiyon ni La­jara na inabot ng apat na araw ang bilangan sa kanilang lugar gayung sa mga kalapit na bayan ay inabot lamang ito ng isang araw. 

Kinukwestiyon din ni Lajara ang patigil-tigil na bilangan sa kanilang  lugar dahil sa tuwing lumalamang umano siya sa bilangan ay itinitigil ang bilangan. May mga insidente pa umano na nagkaroon ng brown out  habang nagbibilangan kung saan siya ang lamang sa bilangan ngunit pagbalik ng kuryente ay lumamang na umano sa kanya ang kanyang katunggali.   

Umaapela si Lajara sa Comelec ng recount sa mga boto.

ANIYA

AYON

BINOY

CALAMBA

COMELEC

KINUKWESTIYON

KINUWESTIYON

LAJARA

VICE MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with