Paglayas ng forecaster ikinalungkot ng Palasyo
MANILA, Philippines - Ikinalungkot ng Ma lacañang ang pag-alis ng mga batikang foreÂcasÂters ng PAG-ASA maÂtapos na magbakasÂyon ng anim na buwan ni Director Nathaniel Servando.
Sinabi ni PCOO Sec. Sonny Coloma na maÂlaking kawalan kung saÂkaling hindi na bumalik sa PAGASA si Servando na napaulat na nagtuturo na lamang sa isang unibersidad sa Dubai kaÂpalit ng mas malaÂking suweldo kumÂpara sa kanÂyang nataÂtanggap sa PAGASA.
Binanggit ni Coloma na bahagi ng katotohaÂnan ang pag-alis ng mga magagaling na forecasÂters sa PAGASA para huÂmanap ng mas malaÂking benepisyo pero tiÂwala ang Malacañang na marami pang sisibol na mga bagong dalubhasa na magsisilbing kaÂpaÂlit ng mga umaalis sa weather bureau.
Sa ngayon ay nasa 14 na lamang ang meteo rologist sa PAGASA at ang isang senior official nito ay nakatakda pang magbitiw sa kagawaran.
Naunang nagbitiw sa PAGASA sina director Frisco Nilo, Rene Paciente at Nathaniel Cruz na naghanap ng ‘greener pasteur’.
- Latest