^

Bansa

Mga pasahero sa NAIA, hinarana

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinarana ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng Kalayaan o Independence day.

Ginastusan ng Singapore Airlines ang okasyon matapos silang umarkila ng mga professional at mahuhusay na mang-aawit para haranahin ang mga pasahero nila habang papa-check -in sa kanilang airline counter para bigyan saya at ipakita ang buong suporta nila sa Araw ng Kalayaan.

 Ang mga pasahero ay hinarana sa check-in sa terminal-1, departure area at ang mga awitin ay pawang naging tanyag at sumikat dekada 70s, 80s and 90’s .

 â€œWe want to delight all the passengers that are departing from NAIA and not to forget all the staffers at the airport and our fellow airlines who are working today, a holiday,” sabi ni Rita Dy, Singapore Airlines Marketing Communications and Services manager. 

Ang mga musicians  ay sina guitarist Bernard Calma, at crooner Celeste Magpantay -na nag-performed ng awitin tulad ng ‘Bato Sa Buhangin,” “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” “Bakit Ngayon Ka Lang,” “Closer You And I,” at marami pang iba.

 Giliw na giliw ang mga pasahero sa departure area na nakikinig at pinanonood ang special show. Namahagi rin ang Singapore Airlines ng mga bandera ng Pilipinas at rubber wristbands bilang souvenirs.

ARAW

BAKIT NGAYON KA LANG

BATO SA BUHANGIN

BERNARD CALMA

CELESTE MAGPANTAY

CLOSER YOU AND I

KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO

SINGAPORE AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with