Biktima ng ‘sex for fly’ hinikayat tumulong sa imbestigasyon
MANILA, Philippines - Hinikayat ni House Committee on Overseas and Workers Affairs Chairman at Akbayan Partylist Rep. Walden Bello ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng “sex for fly†na tumulong sa gagawing imbestigasyon ng Kamara.
Ayon kay Bello, dapat na lumantad at makipagtulungan sa kanila ang mga OFW na nakaranas ng pang-aabuso upang mapabilis ang gagawing pagsisiyasat ng Kamara.
Giit pa ni Bello na kailangan nila ang koopeÂrasyon ng mga biktima upang mapanagot sa lalong madaling panahon ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) sa Middle East na sangkot sa “sex for fly†sa mga OFW na nais makauwi ng bansa.
Bukod dito, pumalag din si Bello sa pananatiling tahimik at sa kawalan ng aksyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing isyu.
Karaniwan umanong nabibiktima ng “sex for fly†ay ang mga OFW na nahihirapan sa kanilang trabaho o nakakaranas ng karahasan sa mga amo at para makauwi ng bansa ay inaalok ng mga opisyal na makipagtalik kapalit ng tiket pabalik ng Pilipinas.
- Latest