Bayolenteng palabas sa TV, alisin!-Solons
MANILA, Philippines - Nais ng ilang mambabatas na tanggalin at ipagbawal ng Movie Television Review and Classification Board ( MTRCB) ang pagpapalabas ng mga bayolenÂting panoorin sa telebisyon at cable networks.
Ayon kay Reps. Diosdado Macapagal Arroyo (Camarines Sur) at dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga) sa pagpasok ng 16th Congress maghahain sila ng panukalang batas na mag-aatas sa MTRCB na ipagbawal sa lahat ng television at cable stations ng pagpapalabas nang bayolenteng programa, pelikula o footages mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
Ayon sa mag-inang Arroyo, isang makapangyarihang guro ang telebisyon sa mga bata na nagpapalabas ng mga makabagong bayani na gumagamit ng bayolenteng aksyon para manalo ang nagpapagulo sa isipan ng mga bata na maganda ang pananakit o make-believe violence at isang magandang modelo ang mga criminal.
Sa ilalim ng panukala, ang MTRCB at National Telecommunications Commission ay magsasagawa ng konsultasyon sa mga television broadcasters, cable operators, kaukulang non-government organizations for children, at indibidwal mula sa pribadong sektor, para sa susunding batas sa ibibigay na rating level ng mga bayolenteng palabas o programa kabilang na ang transmission ng television broadcast systems a cable systems of signals para hadlangan ang mga bayolenteng programa.
Base umano sa Journal of the American Medical Association, ilan beses na nagbigay ng alerto simula 1975 ang medical community sa masamang epekto ng bayolenteng palabas sa mga bata.
- Latest