Jinggoy at Sotto, perfect ang attendance sa Senado
MANILA, Philippines - Perfect ang attendance nina acting Senate President Jose ‘Jinggoy’ Estrada at Sen. Vicente Sotto III sa nakalipas na 15th Congress.
Base sa “Senator’s Attendance’ na ipinalabas ng Journal Service ng Senado, maituturing na pinaka-produktibo ang mga senador na kabilang sa tinatawag na “macho bloc†dahil wala silang naging absent sa loob ng 214 session days.
Si Sen. Juan Ponce Enrile naman ay dalawang beses lamang umabsent at ang isa sa pinakamatandang miyembro ng 15th Congress na si Sen. Joker Arroyo ay tatlong beses lamang umabsent sa sesyon habang apat na beses naman si Senator Gregorio Honasan.
Taliwas sa mga “macho bloc†ng Senado na halos naka-perfect attendance, ang mga kaalyado ni PaÂngulong Benigno Aquino III ang nakapagtala ng pinakamaraming late.
Nangunguna sa palaging late pumasok si Senator Sergio “Serge†Osmeña, na sinundan nina Senators Francis “Kiko†Pangilinan, Ralph Recto, Manny Villar, at Alan Peter Cayetano.
Ayon sa record ng Senate journal, ang mga nabanggit na senador ay pumasok ng session matapos ang roll call na kalimitang nagsisimula sa alas-3:00 ng hapon.
Samantala, si dating Sen. Juan Miguel Zubiri na hindi nakumpleto ang 15th Congress matapos magbitiw at palitan ni Senator Koko Pimentel ay nakapasok pa sa loob ng 98 araw.
Si Sen. Miriam Defensor-Santiago naman ang nakapagtala ng pinakamaraming absent dahil sa “sick leave†kung saan umabot ito sa 105 na araw ang absent nito at 95 araw lamang pumasok sa kabuuan ng 15th Congress.
- Latest