^

Bansa

Speech ni PNoy sa SONA inihahanda na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihahanda na ng Malacañang ang speech ng Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22 kung saan inaasahang iisa-isahin niya ang mga nagawa sa nakaraang taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, tinitipon na ngayon ng tanggapan ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga accomplisments ng iba’t ibang departamento ng gobyerno para maiulat sa SONA.

Iuulat din umano ng Pangulo ang mga natupad niyang pangako sa nakaraang SONA at ang mga hindi pa natutupad.

 â€œThe process po nga­yon ang PMS at si Sec. Rene Almendras are collecting all the accomplishments from the different departments or agencies. Then PMS is responsible for tracking naman po ‘yung mga promises made last SONA --- what we have delivered, what we still need to deliver,” ani Lacierda.

Nakipag-usap na rin umano ang Pangulo sa ilang miyembro ng Gabinete at sa kanyang mga speechwriters.

 â€œAng pangatlo naman po, ang Pangulo ay naki­pagpulong na sa ilang mga Cabinet members at saka nakikipagpulong na rin po sa mga speechwriters niya,” dagdag ni Lacierda.

Inihayag din ni Lacierda na may nagawa ng dalawang outline revisions bagaman at wala pa yong mismong talumpati.

Ayon pa kay Lacier­da magkakaroon pa ng daily briefings sa pagitan ng Pangulo ang kanyang mga speechwri­ters, Cabinet secretaries at  PMS para sa darating na SONA.

 â€œSiguro between now and the State of the Nation Address apart from the daily briefings, the daily work that the President will be engaging, there will be opportunities to meet with the speechwriters and also with the Cabinet secretaries, PMS, to discuss on the State of the Nation Address,” ani Lacierda.

AYON

LACIERDA

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL MANAGEMENT STAFF

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON EDWIN LACIERDA

RENE ALMENDRAS

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with