Ex-mayor kulong ng 18 taon
MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng 18 taon ang dating Mayor ng Tayug, Pangasinan at municipal treasurer dahil sa maanomalyang paglustay ng P787,700 pondo ng gobyerno noong 2001.
Sa 19-pahinang desisyon na nilagdaan ni Associate Justice Rodolfo Ponferrada at pinagtibay nina Associate Justices Efren de la Cruz at Rafael Lagos ng anti-graft court’s First Division, napatunayang guilty sina dating Pangasinan Mayor Marius Ladio at OIC-municipal treasurer Virgilio Arquero sa kasong Malversation of Public Funds (Article 217, Revised Penal Code).
Bukod sa kulong, pinasosoli rin ng graft court kina Ladio at Arquero ang halagang P787,700 at hindi na rin ang mga ito pinapayagang humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.
Napatunayan ng graft court na ang dalawang akusado ay nagsabwatan para lustayin ang naturang pondo na pampagawa sana ng kalsada sa Bgy. Evangelista sa nabanggit na bayan.
Nagawa lamang umano ang kalsada doon dahil sa pondong nahingi ni Ladio noon kay dating PaÂngulong Joseph Estrada at ang pondo ay hindi galing sa Mayor’s fund.
- Latest