P1.2-B ‘hot rice’ mula Vietnam in-auction ng Customs
MANILA, Philippines - Sinimulan na kahaÂpon ang pag-auction ng tinatayang P1.2-bilyong halaga ng Vietnam rice na nakumpiska sa Port of Cebu noong buwan ng Marso at Abril.
Sa utos ni BoC Commissioner Ruffy Biazon, siniguro ni Port of Cebu Collector Edward dela Cuesta na ang 11 bidders na sumali ay pawang mga kwalipikado at wala ni isa sa walong conÂsignees ng nakumpiskang kontrabando ang nakasali sa bidding na isinagawa sa Cebu Customs Office.
Ayon kay dela Cuesta, umabot sa P40.9M ang total bid mula sa total floor price na P35.7M o increase na P5-21M o 14.6%.
Ang “blacklisted†na walong consignees ay ang JJM Global Trading, JM-ARS Trading, Neon Gateway Trading, Custans Enterprises, Melma Enterprises, NMW Enterprises, Ocean Park Enterprises at MMSM Trading.
“Ang nais ni Commissioner Biazon ay maging isang open transparent bidding ito kung kaya’t aming sinunod at pinatupad ang mga alintuntunin na naaayon sa Tariff and Customs Code at pati ang implementing guidelines sa pagsasagawa ng auction ng mga kumpiskadong bagay,†ayon kay dela Cuesta.
Ang nasabing bidding na pinangunahan ni lawyer Dante Maranan at dela Cuesta ay sinaksihan ng representante ng Commission on Audit (CoA) at observers mula sa pribadong sektor.
Muling nagbabala si Biazon sa mga smugglers pati ang mga kakutsaba nila na hindi sila titigilan ng ahensya hanggang lahat sila ay mawala.
Sabi pa ng Customs chief, kung hindi na-intercept ang nasabing rice shipment na umaabot sa 600,000 sako mula sa 1,169 na container vans na pinalagay na mga stone slabs, granite slabs, cooling insulators at cellulose fiber, tinatayang may P600-M ang mawawala sa buwis at kaban ng bayan.
- Latest