Huling sesyon ngayon ng 15th Congress
MANILA, Philippines - Balik-sesyon ngayon ang mga senador kung saan inaasahang magtatapos ang 15th Congress habang magbibigay ng kanyang valedictory address ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Bagaman at ito na ang huling araw ng sesyon ng 15th Congress, halos nasa 36 panukalang batas pa ang pipiliting maaprubahan ng Senado bago ito tuluÂyang mag-adjourn.
Pagkatapos ng sesyon ngayong araw, sa Hulyo na muli magbabalik ang mga senador kasama na ang mga nanalong bagong senador noong nakaraang eleksiyon na kinabibilangan nina Senators-elect Bam Aquino, Nancy Binay, Grace Poe, Cynthia Villar, Edgardo Angara, at JV Ejercito.
Inaasahan na rin ang pagkakaroon ng bagong Senate President sa pagpasok ng 16thCongress dahil mas maraming senador na kakampi ng administasyon ang nanalo sa eleksiyon.
Kabilang naman sa mga panukalang batas na inaasahang ihahabol sa third reading ang ratipikasyon ng extradition treaties sa pagitan ng Pilipinas at ng Spain, India, at ang United Kingdom.
Isasalang din ang isang panukala na naglalayong palakasin ang food safety regulations sa bansa at ang panukalang maglalalawig sa coverage ng science at technology scholarship program ng gobyerno.
Ipapasa rin sa ikatlo ang huling pagbasa ang ilang lokal na panukalang batas kabilang na ang pagbuo ng bagong probinsiya ng Nueva Camarines.
- Latest