^

Bansa

Pagdadala ng baril ng pari, tinutulan ng mga obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutulan ng mga obis­po ng Simbahang Katoliko ang batas na nagbibigay ng pahintulot sa mga pari  na makapagbitbit  ng baril kahit bilang depensa. Iginiit nila na lahat ng pari ay tinatawag upang tularan  ang Pa­nginoon. 

Ipinunto ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na naiiba ang bokasyon at papel ng mga pari sa transpormasyon ng lipunan at  paggamit ng armas para ipagtanggol lamang ang sarili.

Sinabi naman ni Malolos Bishop Jose Oliveros na ang mga pari ay tinatawag upang maging tagapamayapa o taga­pagpanatili ng kapaya­paan. Aniya, hindi dapat labanan ng mga pari ang karahasan ng isa pang karahasan dahil ang mga pari ay ‘men of peace’ at hindi ng giyera o kaguluhan.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang Comprehensive Gun Law, batas na nagpapahintulot sa mga indibiduwal, kabilang na ang mga pari, na magkaroon ng lisensiya para sa kanilang sariling armas kung ang kanilang trabaho ay maaaring ma­ging sanhi ng panganib sa kanilang buhay.

ANIYA

COMPREHENSIVE GUN LAW

CUBAO BISHOP HONESTO ONGTIOCO

MALOLOS BISHOP JOSE OLIVEROS

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

PARI

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with