^

Bansa

Petisyon vs tuition hike ibinasura ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinismis ng Korte Su­prema sa kauna-una­hang en banc session ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng pagtataas ng matrikula na ipinatupad ng 354 na mga unibersidad at kolehiyo sa bansa dahil sa teknikalidad.  

Pinaliwanag ng Kataas-taasang Hukuman na nabigo ang mga petitioner na maisalang ang kanilang kahilingan sa available administrative remedy bago idinulog sa Mataas na Tribunal.

Matatandaang noong isang linggo ay idinulog  ang petisyon  laban sa tuition fee increase ng mga grupo ng kabataan na kinabibilangan ng  Kabataan Party List, National Union of Students  of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, League of Filipino Students, Anakbayan at Kabataan Artista para sa Tunay na Kalayaan.

Sa kanilang petisyon, hiniling ng mga petitioner na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order at status quo ante order laban sa pag-apruba ng Commission on Higher Education o CHED sa tuition fee increase at iba pang school fees ng 354 higher educational institutions para sa school year 2013 hanggang 2014. 

Kinukuwestiyon din ng mga petitioner ang legalidad ng Section 42 ng Education Act of 1982 na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga pribadong eskwelahan na magtakda ng sariling tuition fee at iba pang bayarin.

COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES

EDUCATION ACT

HIGHER EDUCATION

KABATAAN ARTISTA

KABATAAN PARTY LIST

KORTE SU

KORTE SUPREMA

LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS

NATIONAL UNION OF STUDENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with