Estudyante pinayuhang magdala ng panangga sa ulan
MANILA, Philippines - Wala umanong bagyo na inaasahan sa pagbubukas ng klase ngayon, pero pinayuhan ang mga estudyante na magdala ng payong o anumang pananggalang sa ulan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maulap na papawirin na may manaka-nakang pag-ulan at pagkulog ang magaganap sa buong Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa pagbubukas naman ng klase, sinabi ng PAGASA, wala namang inaasahang mamumuong sama ng panahon na maaring mangyari malapit sa bansa sa mga susunod na araw.
Pero ang inter-tropical convergence zone ay makakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Katamtamang hangin ang iihip mula sa timog silangan sa buong Luzon at may hanging magmumula sa timog kanluran hanggang sa kanluran ng buong bansa.
- Latest