UNA ‘constructive opposition’ sa Senado
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Senate President Juan Ponce Enrile na magiging ‘constructive opposition’ ang mga senador na kasapi ng United Nationalist Alliance (UNA).
Inihayag ni Senator Franklin Drilon na tiniyak sa kanya ni Enrile sa meeting nila sa isang hotel sa Makati noong Huwebes na bagaman at aktibong makikilahok sa debatehan sa Senado ang mga senador na kasapi ng UNA ay hindi naman siya magiging “obstructionist†o manghaharang ng mga importanteng panukalang batas.
Sinabi ni Drilon na hindi nagpahayag ng pagkontra si Enrile ng hingin niya ang suporta nito lalo na ang tinatawag na ‘macho bloc’ sa Senado kung saan bukod kay Enrile ay kasama rin sina Senators Gregorio Honasan, Tito Sotto at Jinggoy Estrada.
Napag-usapan rin umano nina Enrile at Drilon ang tungkol sa leadership ng susunod na 16th Congress.
Noong nakaraang linggo ay nakipag-meeting na rin si Dilon kay Senator Manny Villar, presidente ng Nacionalista Party kung saan tiniyak ni Villar na mananatiling kowalisyon ang kanilang partido sa Liberal Party.
- Latest