^

Bansa

Probe sa ‘nag-amok’ na Pinay sa US hingi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. na magkaroon ng masusi, patas at agarang im­bestigasyon sa pagka­kabaril at pagkamatay ng isang Pinay na umano’y nagwala sa loob ng isang mall sa Virginia, USA.

Sa report na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs, nasawi ang 38-anyos na Pinay na si Maylene “Mai” de Leon Scott, matapos na mabaril ng mga pulis sa Virginia nang umano’y mag-amok ito sa loob ng Costro store na kanyang pinapasukan sa Sterling, Virginia kamakalawa.

Ayon kay Ambassador Jose Cuisia, mariin nilang tututukan ang kaso ni Scott at masusi silang makikipag-ugnayan sa Virginia authorities sa isinasagawang pagsisiyasat sa naturang insidente.

Ayon sa pulisya, pinabababa umano nila ang dalang patalim at gunting ni Scott subalit umatake pa umano ito sa kanila kaya napilitan nilang barilin ang nasabing Pinay.

Gayunman, sumi­sigaw ng “foul” ang pa­milya ni Scott at sinabing posibleng ginamitan umano ang biktima ng matinding puwersa nang barilin ng mga pulis sanhi ng pagkamatay rito.

Si Scott umano ay dumaranas ng matin­ding depresyon matapos makipag-divorce sa mister at nakikipaglaban sa kustodya ng kanyang dalawang anak na babae.

Idiniin ng pamilya nito na brutal ang pagkasawi ni Mai dahil tanging bread knife lang umano ang hawak nito na maaari namang awatin ng mga rumespondeng pulis-Virginia.

Bunsod nito, humihingi ng katarungan ang pamilya ng nasabing Pinay dahil sa ginawang pagbaril at pagpatay sa biktima.

AMBASSADOR JOSE CUISIA

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

LEON SCOTT

MAI

PINAY

SI SCOTT

UMANO

WASHINGTON D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with