^

Bansa

PCG iimbestigahan ng Kamara sa Taiwanese fisherman

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paiimbestigahan ng Minorya sa kamara ang umanoy pamamaril ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taiwanese fishing vessel na ikinasawi ng isang mangingisdang Taiwanese.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, ngayong araw ay maghahain sila ng resolution upang imbestigahan ang nasabing shooting incident matapos nitong makausap ang isang grupo ng mga  Taiwanese officials.

Idinagdag ng mambabatas, na ang apela sa kanya ng isang Taiwanese mission ay agad na sampahan ng kaso ang mga tauhan ng PCG na mapapatunayang umabuso sa kapangyarihan.

Ito ay dahil sa lumalabas umano sa imbestigasyon ng Taiwan na malaki ng tatlong beses sa PCG boat ang barkong pangisda ng mga Taiwanese na sinasabing pumasok sa teritoryo ng Pilipinas sa Balintang channel sa Batanes.

Paliwanag ni Suarez mahirap banggain ang mala­king barko at baka hindi umano masyadong convincing ang paliwanag ng pilipinas na kaya nila binaril ang fising boat ay dahil gusto nilang takbuhan ang barko ng PCG.

Bukod dito mas mabilis ng di-hamak ang PCG boat na nangangahulugan na madali itong makaiiwas sakaling tinangka nga ng Taiwanese vessel na banggain ang barko ng PCG.

Kabilang sa ipinaabot ng Taiwanese mission ang tinamong 54 na tama ng bala mula sa mga tauhan umano ng PCG.

vuukle comment

AYON

BALINTANG

BATANES

BUKOD

HOUSE MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

IDINAGDAG

PCG

PHILIPPINE COAST GUARD

TAIWANESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with