Mag-aamang Ampatuan binasahan ulit ng kaso
MANILA, Philippines - Apat na taon makalipas ang Maguindanao masaker, muling binasahan ng sakdal ang 78 suspek sa krimen kabilang ang mag-aamang Ampatuan sa ika-58 biktima na pinakahuling natuklasan na kasamang nasawi sa insidente.
Muli namang naghain ng “not guilty plea†sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Branch 112 Judge Jocelyn Reyes-Solis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City sina dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., anak na sina Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan at si dating Datu Unsay Mayor Zaldy Ampatuan, Jr. sa pagkamatay ng ika-58 biktima na si Reynaldo Momay.
Kasama rin dito ang 75 pang mga sundalo, pulis at civilian volunteers na kasamang humarang at hinihinalang nagpaputok sa mga 58 biktima kabilang na ang 32 mamamahayag.
Muling binasahan ng sakdal ang mga akusado makaraang opisyal na makasama na sa listahan ng mga nasawing biktima si Momay sa naganap na masaker noong Nobyembre 23, 2009.
Nabatid na noong lamang nakaraang taon nakumpirma ng mga forensic experts na kay Momay ang natagpuang bahagi ng pustiso sa lugar ng krimen kaya iniutos ng Department of Justice ang pagsasampa ng panibagong kaso sa mga akusado base na rin sa kahilingan ng pamilya nito.
Magugunitang patungo ng Comelec Office ang convoy na pinangungunahan ng misis ni dating Buluan Mayor Ismael “Toto†Mangudadatu kasama ang mga mamamahayag nang harangin at pagbabarilin umano ng mga akusado sa pangunguna ni Ampatuan Jr.
Muling itinakda ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Maguindanao massacre sa Hunyo 5.
- Latest