^

Bansa

Villar nagsampa ng mosyon para sa writ of Kalikasan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling  ni Senator-elect Cynthia Villar sa Court of Appeals na ikonsidera ang desisyon nito noong April 26 na nagbasura sa petisyong ipatigil ang  Manila Bay reclamation project na maaaring magdulot ng malawakang pagbaha sa ilang barangay sa Bacoor, Parañaque at Las Piñas. 

Ang Motion for Reconsideration (MR) ay isinampa ni Villar noong Mayo 14 sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Frank Chavez.

Sa 48-pahinang desisyon, ibinasura  ni  Associate Justice Apolinario Bruselas ng CA 3rd Division ang petisyon ni Villar laban sa Las Piñas-Parañaque Coastal Bay project dahil sa kawalan ng merito.

Sinabi ni Bruselas na nabigo si Villar na ma­ipakita ang ugnayan sa reclamation project at environmental damage.

Sa kanyang MR,   uma­pela si  Villar sa CA na repasuhin at balangkasin ang maling disposisyon ng kaso  bunga ng illegal at labag sa ECC para sa coastal bay project, nakakasira ito sa kapakinabangan at pagpapanatili ng Las Piñas-Parañaque critical habitat and ecotourism area at pinsala ang idudulot nito sa kapaligiran at panganib sa buhay, kalusugan at ari-arian ng mga residente ng Las Piñas-Parañaque.

“Gagawin ko ang lahat ng legal na paraan sapagkat naniniwala ako na meron itong sapat na merito. Umaasa rin akong pagbibigyan ng CA ang ating MR,” wika pa ni Villar matapos mahigit 300,000 katao ang lumapit at humingi ng tulong sa kanya na tutol sa coastal project.

ANG MOTION

ASSOCIATE JUSTICE APOLINARIO BRUSELAS

COASTAL BAY

COURT OF APPEALS

CYNTHIA VILLAR

LAS PI

PLUSMN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with