^

Bansa

Matapos bigyan ng Tanazul OFW Lanuza ligtas sa bitay – Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Vice President Jejomar Binay na inaasahan na ang paglaya at pag-uwi sa bansa ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Rogelio “Dondon” Lanuza na nahatulan ng bitay matapos na magpalabas ng tanazul o affidavit of forgiveness ang pamilya ng napatay nito sa Saudi Arabia.

Ayon kay VP Binay na Presidential Adviser on OFW Concerns,  kinumpirma ng Saudi Royal Court (SRC) na ang pamil­ya ng Saudi national na napatay ni Lanuza ay nag-isyu na ng tanazul.

“The Saudi Royal Court  (SRC) in Dammam has confirmed that the victim’s family has already issued a tanazul, or affidavit of forgiveness, in favor of Dondon Lanuza,” ani Binay. 

Sa panayam ng PSN kay Dondon Lanuza mula sa Dammam jail, sinabi nito na noong Miyerkules (Mayo 22) pa ay sinabihan na siya ng SRC tungkol sa nasabing magandang balita.

Sinabi nito sa PSN na maituturing niya ngayon na isa siyang “freeman” at ganap nang ligtas sa pagbitay.

Nakatanggap umano ng text message si Lanuza mula kay Sheik Ahmad Al Othaimen, head ng SRC sa Dammam na tuluyan na siyang pinatawad ng pamilya ng biktima matapos na magpalabas ng tanazul.

Kinumpirma rin ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na naayos na ang 3 milyong Saudi riyal na blood money ni Lanuza at naipasa na sa pamilya ng biktima.

Sinabi ni Binay inaantay na lamang ang ipalalabas na realese order ng Dammam court upang makalaya si Lanuza.

Nakahanda na rin ang kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na susundo kay Lanuza sa kanyang inaasahang pag-uwi sa bansa sa hindi pa mabatid na araw.

Pinasalamatan ni Lanuza ang lahat ng mga tumulong sa kanya kabilang na ang pahayagang PSN upang ganap na makaligtas sa bitay. Nagpasalamat din si Binay kay Saudi King Abdullah na nagbigay ng 2.3 milyon Saudi riyal na kakulangan sa P32 milyong blood money.

 

BINAY

DAMMAM

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DONDON LANUZA

KINUMPIRMA

LANUZA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PRESIDENTIAL ADVISER

SAUDI ROYAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with