^

Bansa

PNoy nagbigay pugay sa 7 Marines

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinalaw ni Pangulong Aquino ang burol ng 7 miyembro ng Philippine Marines na nasawi sa engkwentro sa Abu Say­yaff Group noong Sabado sa Patikul, Sulu.

Ang mga labi ng 7 Marines ay binigyang-pugay ng Pangulo sa huling sulyap nito habang nakaburol sa Marines headquarters sa Taguig City kahapon.

Nakiramay naman ang Pangulo sa mga naulila nina 2nd Lt. Alfredo Lorin Vl, Pfc. Jay Alasian, Pfc. Jayson Durante, Pfc Rene Gare, Pfc. Andres Bogwana, Pfc. Roxan Pizarro at Pfc. Dominator Sabejon Jr.

Nag-alay ng panala­ngin ang Pangulo sa bawat sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan sa kanyang pagsilip ng mga kabaong nito saka siya sumaludo sa mga ito.

Nagkaloob ang Pa­ngulo ng P250,000 tulong sa pamilya ng naulila ng mga sundalo bukod sa scholarship sa mga anak ng nasawi.

Iniutos na ng Pangulo ang pagtugis sa mga miyembro ng ASG na nakapaslang sa mga Marines na nasa kanilang test mission sa Patikul.

ABU SAY

ALFREDO LORIN VL

ANDRES BOGWANA

DOMINATOR SABEJON JR.

JAY ALASIAN

JAYSON DURANTE

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PATIKUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with